
2026
R
فلپائن
Reality
Uy! Si Angeline Quinto! Riot sa kantahan at riot sa kulitan ang "It's Showtime" studio 'pag kasama ang Queen of Teleserye Theme Songs. Happy 15th showbiz anniversary sa power belter, na nagsimula sa Kapamilya reality talent show "Star Power." Teka, si Angeline ba talaga 'to? Sa isang anggulo, BINI Aiah. Tapos sa kabilang banda, oh pak, Vice Ganda!
Makisaya sa mga Senior Citizens ng San Juan City na bumida sa 'Laro Laro Pick' game arena. Na-enjoy nina Vice Ganda, Vhong Navarro at Jhong Hilario ang kuwentuhan with Nanay Jevelyn. From San Juan, may bitbit siyang pasulubong kay Meme—"manggang kalabaw" with special bagoong na homemade by her sissy.
Nang dahil sa mangga, umasim ang mga tagpo sa game arena. Si Player Violy, umapela! Hindi umano "manggang kalabaw" ang bitbit ni Jevelyn.
Kung classroom ang game arena, at si Vice Ganda ang teacher nila, si Tatay Rey naman ang estudyanteng napa-"Ma'am, may I go out?" dahil naiihi na pala.
Sa 'You Gotta Lyric' portion, para bang sumeryoso ang kilig ni Jackie Gonzaga sa eksena nila ni Darren Espanto. Hirit ni Vice Ganda, 'humopia' ang anak niya! Aliw rin ang eksena nina Jhong Hilario at Jugs Jugueta. BL ang genre, at hiniritan ng kiss ang dalawa. Teka, join din sa aktingan si Maymay Entrata?!
Maya-maya pa, sumabak na sa 'exam' ang madlang seniors. Ang valedictorian ng batch, walang iba kundi si Jevelyn, na umabante sa final game. Para bang si Meme ang lucky charm at fairy godmother! Masungkit kaya ni mommy ang P200,000 POT money?
sang reply lang ni crush, happy ending na agad ang kuwento mo. Sa sobrang lakas 'humopia,' parang kayong dalawa lang ang nag-e-exist sa mundo. Pero baka okay lang 'humopia' basta para sa pangarap. Katulad ng Resbakers na hoping for a second chance sa 'Tawag Ng Tanghalan' Resbakbakan round.
Sa Baguio City siya ay busker, pero dito sa TNT, siya'y resbaker. Bitbit ni Raine Valenzuela ang "Pahina' by Cup of Joe sa laban sa entablado. Ang estudyanteng si Georgina Medina ng NCR, itinodo ang comeback. Pero nag-fail sa pagkanta ng "Fall In Love Alone" matapos mabilangan ng tatlong hurados.
#MayLaroSaShowtime
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment
More
