
2026
R
فلپائن
Reality
Mainit ang HOTawan kasama ang Gueco twins at ang Dance Vixen na si Chie Filomeno. Kung si Chie ay 'go with the flow' lang sa alon ng buhay, ang Gueco twins naman ay extra energized dahil sa iniidolong si Vhong Navarro, na papasang ka-triplet nila! Na-set ng mga bisita ang mood ng madlang people, kaya ang kembutan, nauwi sa pa-contest at showdown!
Summer love story ang hatid nina JM Ibarra at Fyang Smith, na bida agad sa kanilang unang pelikula titled "Almost Us." IRL, going strong ang bonding ng JMFyang, na nahihilig ngayon sa hiking. Pero sa pagsali nila sa 'Laro Laro Pick,' individual muna ang laban nila, kasama ang mga madlang players mula San Mateo, Rizal.
Kinilala rin ng hosts si Arvin, na tumigil muna sa hanapbuhay bilang habal-habal driver dahil sa taas ng gasolina. Katulad niya, naghahanap din ng regular na trabaho si Vhot. Laban lang, mga kuya! Sprinkling job dust para sa lahat!
Umabot si Fyang hanggang PILImination round. But the fastest player of them all ay ang tour guide na si Cess, na mas pinili ang P25,000 Li-Pot offer kapalit ng P100, 000 Pot question dahil mas gusto niya 'yung siguradong may maiuuwi siya para sa inang may sakit. Congratulations, Cess!
Naging test of wit para sa mga hosts at hurado na sina Erik Santos, Marielle Montellano, at Louie Ocampo ang ikatlong araw ng Region 10 bakbakan sa 'Tawag Ng Tanghalan.'
Pang-Hollywood ag husay ni first contender, Jay, singing the Sam Smith hit "Writing's on the Wall." Napag-usapan ang talent ni Jay sa pagsusulat ng mga kanta. Speaking of songwriting, anong ibig sabihin ng 'pikpiripikpik,' na maririnig sa isang Christmas song na isinulat ni Maestro Louie?
Pagkatapos ng kantahan at knock-knock jokes kulitan with the first contender, sunod na sumalang sa entablado si Yvonne, singing Mariah Carey's "Emotions." Sa dulo ng laban, ang unang kalahok an si Jay ang umangat sa tanghalan.
#ItsShowtimeOnline
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment
More
