
2026
R
Filipina
Reality
Nag-check in ang “PBB Collab” stars sa Laro Laro Pick game arena, sa June 10 episode ng "It's Showtime." Game sa fun kulitan at spicy tanungan sina Klarisse de Guzman, Will Ashley, Brent Manalo, Emilio Daez, Ralph de Leon, Bianca De Vera, Kira Balinger, Vince Maristela, Esnyr Ranollo, Dustin Yu, River Joseph, at Mika Salamanca.
Merong kinaaliwan sa kanilang mga OOTD, meron din namang na-hot seat ni Vice Ganda tungkol sa relation status. At merong teary-eyed sa game arena? Sino naman ang nabilangan a la Tawag Ng Tanghalan?
Game time na! Sa loob ng bilang na lima, dapat maibigay ang sagot na tama para sa ‘It’s Giving’ round ay makapasa. Minsan hindi talaga perfect, pero okay lang dahil sa bloopers na may patawa effect. ‘C’ as in comedy ang laro ng mga batang “PBB!”
Mukhang tumalab ang pagche-cheer ni Dustin kay Bianca dahil ito ang umabante sa jackpot round. Sinugalan ni Bianca ang POT question. Masagot ba niya ang tanong na may kinalaman sa Big Brother?
Bawal muna magpahinga ang mga Tawag Ng Tanghalan Grand Finalists hanggat hindi nakukuha ang kampeonato. Sa Day 3 ng Grand Finals, sina Craig Derek Dignos (Region VII), Shaliyah Dizon (Region III), at Will De Sosa (Region IV) ang nagharap-harap.
Kanya-kanya silang paandar sa entablado. Nakaka-emo ang “Fall For You” performance ni Craig. Ang fun and upbeat na “Karera” by BINI, ginawang powerful and slow ni Shaliyah. At ang classic OPM rock anthem “Balong Malalim,” mas ni-level up pa ni Will.
Sa ikalawang round, ang Top 2 scorers na sina Will at Craig ang muling naglaban. Nag-aalab ang fighting spirit ni Will as he performed “The Flame.” Tinatapatan ‘yan ni Craig with “Iris.”
Perfect match sa tunggalian ang dalawang romantic rockers, pero isa lang sa kanila ang maaaring makakuha ng pwesto. Si Will ang umangat sa araw na ito at pasok na siya sa Huling Tapatan.
More
