moviebox header nav
moviebox search icon
muted

Mga taga-Potrero, makuha kaya ang POT?

2026

R

Pilipinas

Reality

Mamumula ka sa kilig dahil dobleng Valentine's kantahan treat ang handog ng mga 'TNT Duets' champs—JM Dela Cerna and Marielle Montellano a.k.a. JMielle, at Arvery Lagoring and Christian Tibayan a.k.a. ArChan. Pagkatapos ng feel-good harana, game naman sila sa kuwentuhan at kulitan. Saan nga ba ang V-Day 'date' ng JMielle at ArChan? Sina JM at Marielle, kumasa rin sa pa-challenge ni Kim Chiu! Ang sabi nila sa isa't isa—"Pinangga ta ka," na ang ibig sabihin ay "mahal kita." Kapansin-pansin naman ang OOTD ni Kimmy, na mukhang ready na talaga sa V-Day! Mula sa pinakamalaking baranggay sa Malabon, sumugod ang mga taga-Potrero sa 'Laro Laro Pick' game arena para subukan ang swerte nila. May gustong sabihin si Vice Ganda tungkol sa pangalan ni player Entay, na para bang... basta! Umiwas na lang si Meme bago pa may masabi! Dahil buwan ng pag-ibig, pasok ang kuwentong 'moving on’ ni player Jing, na mas gusto na ang 'afam' kaysa Pinoy na jowa pagkatapos ng pinagdaanan. Pero hirit ni Meme, iba pa rin ang Pinoy! Kinaaliwan ang fighting spirit ni Ryan Bang, na never-give-up ang motto kahit pa bali-baliko ang sagot sa 'It's Giving' round kung saan natapat sa kanya ang kantang "It Takes A Man And A Woman." Pagdating sa PILImination round, naglaban sina Darren Espanto at Jackie Gonzaga bilang PILIminators o kakampi nina player Bunso at player Che. Sa huli, tandem nina Darren ang nagwagi, kaya si Bunso ang umabante sa jackpot round kung saan P150,000 ang maaari niyang maiuwi. Pero si Bunso, naging wais at tinanggap ang P30,000 sa Li-Pot. Tama naman na sinunod niya ang bulong ng puso! Sa 'Tawag Ng Tanghalan' Ika-10 Taon, may nakatanggap ng matamis na 'oo' mula sa mga hurado na sina Jonathan Manalo, JM Yosures, at Louie Ocampo, at mayroon din namang nakaranas nga mala-breakup na pighati dahil gong pala ang kanyang destiny. Present sa tanghalan ang kolehiyalang si Lia Briney, na inawit ang "Duyan." Alam n'yo ba na ang pangalan ng lugar na pinagmulan ni Lia, ang Baler, ay katumbas pala ng 'bahay' sa gay lingo? Nagkuwento pa nga si Vice Ganda tungkol sa pinagmulan ng maraming gay words katulad ng 'dedma,' 'hanash' at 'jowa.' Dahil diyan, pati mga hurado ay napa-gay lingo na rin sa pagkokomento! Samantala, mga anak ang inspirasyon ng ikalawang kalahok na si Aica upang maging kampeon. Pero sa 'di inaasahang pangyayari, siya'y na-gong! Paliwanag ng mga hurado, ramdam na ramdam nila ang kaba, at hindi na-hit ang high note. Bilang ex-kontesero, nagbigay naman ng payo si JM kung paano labanan ang kaba, na sinang-ayunan ni Maestro Louie. Dahil na-gong ang kalaban, itinanghal na panalo ang unang kalahok na si Lia. #ItsShowtimeOnline #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment #Showtime143
More

0 /10

0 people rated

Manood online

Manood sa app

Mga episode

Nangungunang Cast

Pagsusuri ng User

Mga episode
Nangungunang Cast
Pagsusuri ng User

Mga episode

film
lklk
Netflix
Plex

Pagsusuri ng User

author avatar

عليوة الترهوني🔥❤

27/02/2026 16:29
Mga taga-Potrero, makuha kaya ang POT?
author avatar

Himalayan 360

27/02/2026 16:29
Mga taga-Potrero, makuha kaya ang POT?
Disclaimer: All videos and pictures on MovieBox are from the Internet, and their copyrights belong to the original creators. We only provide webpage services and do not store, record, or upload any content.