
2021
R
0 h 5 m
فيلبيني
Rock
Magda - Gloc 9 ft. Rico Blanco
---
Lyrics:
Magdalena, ano'ng problema
Bakit 'di ka makawala sa kadena
At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
Ng hanapbuhay mo ngayon
Magdalena, ano'ng problema
Alam naman natin na dati kang Nena
At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa 'yo
Ito'y kuwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kanyang mukha'y puno ng kolorete
Sa lugar na ang ilaw ay patay-sindi
Simulan na natin ang istorya
Ako'y kanyang matalik na kaibigan
Ernesto ang aking pangalan
Kuwentong dapat n'yong malaman
'Wag nang magbulag-bulagan
Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba
Pagbibigyan kita, kilala mo ba si Magda
Na aking kababata mula pa nang pagkabata
Kami'y laging magkasama, mga bangkang papel sa sapa
Kanyang ngiti, lumiliwanag ang paligid
At 'pag s'ya'y dumadaan, mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong s'ya ay nagdalaga
Tuwing kausap ko na, malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman, pinilit kong isara
Ang bibig at pintig ng puso para sa kanya
At sa sayawan, matapos kaming makapagtapos
Dahil pinawis ang mukha, ako'y nagpunas ng pulbos
Kahit parang hindi pantay, nagmamadaling hinila
Pinakilala n'ya, lalaki na taga-Maynila
Magdalena, ano'ng problema
Bakit 'di ka makawala sa kadena
At sa gabi-gabi, ikaw ay nasa selda
Ng hanapbuhay mo ngayon
Magdalena, ano'ng problema
Alam naman natin na dati kang Nena
At sa iyong ama, ikaw ay prinsesa
Ano'ng nangyari sa 'yo
Maraming taon ako'y nalipasan, pinilit ko mang takasan
Bagkus ay aking nalaman ang tunay kong kailangan
'Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
Minamahal ko s'ya, hahanapin ko si Magda
Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
Sa lugar na ang sabi'y kanyang pinagtatrabahuhan
Nakita ko'ng larawan n'ya na nakadikit sa pintuan
Iba man ang kulay ng buhok, 'di ko malilimutan
Ang kanyang mata, tamis ng kanyang ngiti
Dahil ubod ng saya, 'di na nag-atubili
Agad pumasok sa silid, pero bakit ang dilim
Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
Nang biglang nagpalakpakan, may mabagal na kanta
Sa maliit na entablado ay nakita
More
